₱20 milyong halaga ng puslit na sigarilyo, nasamsam sa Cebu; 2 suspek, nagtangkang manuhol sa awtoridad
- Jan 13
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang lalaki ang arestado sa tangkang panunuhol kaugnay ng pagkakasabat ng milyon-milyong pisong halaga ng puslit na sigarilyo.
Isinagawa ang joint intelligence-driven checkpoint operation, gabi ng January 10, 2026 sa Barangay Poblacion, Santander, Cebu sa ilalim.
Sa operasyon, nasamsam ang 200 kahon ng ilegal na ORIS cigarettes na may tinatayang halagang ₱20 milyon, at naaresto ang driver at helper ng nasabat na kargamento. Napag-alaman na ang ORIS brand ay hindi rehistrado at ilegal na ibinebenta sa bansa.
Kasunod ng imbestigasyon, January 11, 2026, nadakip ang dalawa pang indibidwal matapos tangkain umanong suhulan ng pera ang mga pulis ng PRO7 upang maareglo ang kaso.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang ₱1,000,000 cash, tatlong high-end smartphones, at isang Toyota Fortuner, nasa kustodiya ng Regional Special Projects Unit 7 ang mga suspek para sa dokumentasyon, inquest proceedings, at pagsasampa ng kaukulang kaso.



Comments