20 Mobile vending carts, itinurnover ng MOLE sa Tawi-Tawi Provincial Government para sa mga vendor sa lalawigan
- Diane Hora
- Oct 15
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng Bangsamoro Integrated Livelihood Program, pormal na itinurnover ng Ministry of Labor and Employment Tawi-Tawi ang dalawampung “Set-A-Kart” mobile vending carts sa provincial government, a-otso ng Oktubre.
Layon ng programang mapalago pa ang kita ng mga benepisyaryo at gawing mas matatag at sustainable ang kanilang kabuhayan.
Ang mobile vending carts ay ipapamahagi ng provincial government sa mga kuwalipikadong ambulant vendors.
Ayon kay MOLE Provincial Head Haipa Jumdain, ang mobile vending carts ay kadalasang gawa sa light materials pero dahil nababasa ito tuwing tag-ulan, minabuti ng MOLE na gawing stainless ang mobile vending carts na ipimamahagi ngayon upang matiyak ang durability at kalidad nito.
Ang bawat cart ay nagkakahalaga ng P30,000 na may kasamang bike, solar light, charcoal stove, weighing scale, gas stove at kumpleto pa sa accessories tulad ng glass showcase at ibang kitchen tools.
Idinisenyo ito batay sa negosyo ng benepisyaryo.
Sa kasalukuyan, ang mga benepisyaryo mula sa bayan ng Bongao pa lamang ang makakatanggap ng nasabing carts.
Sinisikap ng MOLE na mabigyan ang lahat ng munisipyo sa Tawi-Tawi.
Sa ngayon, may inisyal na profiling na rin para magkaroon din ng mobile vending carts para sa Panglima Sulu.
Samantala, isinagawa rin ng MOLE ang isang Exit Conference Program para sa siyam na student interns mula sa Antonio R. Pacheco College, Inc., na nagtapos ng kanilang Field Instruction Program 1 nitong Martes.



Comments