2025 BPE, hindi na matutuloy sa October 13, 2025 matapos ideklara ng Supreme Court na “Unconstitutional” ang BAA 58 at BAA 77
- Diane Hora
- Oct 1
- 1 min read
iMINDSPH

Hindi na matutuloy ang BARMM Parliamentary Elections na itinakda sa October 13, 2025. Ito’y matapos ideklara ng Supreme Court na unconstitutional ang Bangsamoro Autonomy Act 58 at Bangsamoro Autonomy Act 77.
Sinabi ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting na permanent ang inisyu ng SC na injunction sa BAA 77.
Binibigyan ng Korte Suprema ng hanggang October 30 ang Bangsamoro Transition Authority Parliament na tukuyin ang parliamentary districts para sa first regular election ng parliament.
Iniutos din ng Supreme Court sa COMELEC ang pagpapatuloy ng preparasyon nito at ang pagdadaos ng halalan sa BARMM na hindi lalagpas sa March 31, 2026.



Comments