top of page

2026 LEGISLATIVE PRIORITIES Sentrong usapin sa pulong ng mga committee chairpersons na ipinatawag ni BTA Parliament Speaker Mohammad Yacob

  • Mar 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Pinulong ni BTA Speaker Mohammad Yacob ang lahat ng committee chairpersons ng Bangsamoro Parliament para pag-isahin at pabilisin ang legislative priorities ng pamahalaan para sa 2026.


Sa pulong, kamasa si Cabinet Secretary Mohd Asnin Pendatun sa pag konsolidad ng legislative roadmap ng Parliament, nagtakda ng malinaw na timelines, at pinalakas ang koordinasyon ng bawat komite para masigurong tuloy-tuloy at walang delay ang pag-usad ng mga priority measures.


Nagbigay ng updates ang mga committee chair sa mga panukalang batas na kasalukuyang nirerepaso. Kabilang dito ang mga social protection initiatives para sa mga bata at ulila, ang panukalang pagtatayo ng maritime school sa Tawi-Tawi, at ilang hospital-related measures na layong palakasin ang public health services sa rehiyon.


Samantala, iniulat ni CabSec Pendatun na sa 12 panukalang batas na nasa legislative agenda ng gabinete, apat na ang naaprubahan: ang Parliamentary Districting Act, Bangsamoro Budget System Act, Labor Code, at ang Transitional Justice Program.


Kabilang naman sa mga pending measures ang Revenue Code, Energy Development Corporation bill, Gender and Development Code, at ang Lake Lanao Rehabilitation and Development Authority bill.


Ayon kay Speaker Yacob, target ng Bangsamoro Parliament na maipasa sa loob ng taon ang mga priority bills upang masiguro ang agarang implementasyon ng mahahalagang reporma at serbisyo para sa mamamayang Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page