2026 Pre-Departure Orientation Seminar o PDOS, isinagawa ng MOTC BARMM
- Jan 19
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng paghahanda upang matiyak ang ligtas, maayos, at well-informed na paglalakbay ng mga Bangsamoro na magsasagawa ng Hajj, isinagawa ng MOTC BARMM ang 2026 Pre-Departure Orientation Seminar o PDOS para sa mga Hajj pilgrims.
Pinagsama ng PDOS ang mga pangunahing stakeholders upang ihanay ang mga responsibilidad at serbisyo para sa mga pilgrims.
Kabilang dito ang aktibong partisipasyon ng Bangsamoro Airport Authority (BAA), na inimbitahang magbigay ng buong suporta at airport services para sa mga Hajj passengers—patunay ng paninindigan nito sa efficient, orderly, at passenger-centered airport operations.
Sa kanyang mensahe, iginiit ni Atty. Ranibai Dilangalen, Director ng BAA, na handa ang ahensya na maglingkod at umalalay sa mga pilgrims sa bawat yugto ng kanilang biyahe.
Samantala, binigyang-diin ng Area Manager na si Carmencita Salik, ang mahahalagang do’s and don’ts sa loob ng paliparan upang mas maayos na magabayan ang mga pasahero.
Buong-suporta rin ang Ministry of Transportation and Communications sa pangunguna ni Minister Termizie Masahud, na nagpahayag ng pagiging positibo sa paghahatid ng komprehensibo at koordinadong transportation at communication services para sa mga pilgrims—isang malinaw na larawan ng matibay na inter-agency cooperation sa paglilingkod sa komunidad ng Bangsamoro.
Ang PDOS 2026 ay hindi lamang paghahanda sa biyahe kundi isang kolektibong paninindigan ng mga ahensya ng Bangsamoro Government upang tiyakin na ang pagganap ng Hajj ng mga kapatid na Muslim ay may kaayusan, kaligtasan, at malasakit—mula paliparan hanggang sa kanilang pagbabalik.



Comments