2026 proposed budget ng BARMM na P114.07B mas mataas ng P19B kumpara sa budget noong nakaraang taon
- Diane Hora
- Oct 31
- 2 min read
iMINDSPH

Pormal nang isinumite ni Bangsamoro Interim Chief Minister Abdulraof Macacua sa BTA Parliament, araw ng Huwebes, Oktubre 30, ang panukalang ₱114.07-bilyong Bangsamoro Expenditure Program o BEP para sa 2026.
Ito ang pinakamalaking budget sa kasaysayan ng rehiyon at ang kauna-unahang panukalang budget sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Ang panukalang budget ay mas mataas ng 19-bilyong piso mula sa 94.41-bilyong piso na badyet noong 2025.
Nanatiling pangunahing prayoridad ng BARMM Government ang edukasyon, kung saan mahigit ₱32.65 bilyon ang proposed allocation para sa Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) — halos one-third ng kabuuang badyet.
Binigyang-diin ni Macacua na ang edukasyon ay pundasyon aniya ng pag-unlad at tulay tungo sa kapayapaan.
Sa Project IQBAL o Improve Quality Education in the Bangsamoro Land, makatatanggap ito ng P1.6 billion para mapahusay pa ang teaching at learning quality.
P2.03 billion naman ang laan para sa school-based operations at maintenance.
Ang proposed budget ay popondohan din ang school operations, at scholarships.
Kabilang dito ang Bangsamoro Scholarship Program for technical-vocational; education, Access to Higher and Modern Education Scholarship Program, at Madaris Asatidz Program na sumusuporta sa mahigit 6,600 Islamic education teachers.
Ang Ministry of Health ay makatanggap ng P8.61 billion para panatilihin at palawakin pa ang healthcare services sa buong rehiyon, na tumutugon sa mga dapat punan sa accessibility, lalo na sa far-flung communities.
Pangatlo ang Bangsamoro Transition Authority na may alokasyon na P7,107,475,847; Pang apat ang Ministry of Public Works na may alokasyon na P5,770,613,407; Office of the Chief Minister na may proposed budget na P4,960,489,111; Ministry of Social Services and Development na may budget allocation na P4,271,500,742; P2,152,657,348 naman sa Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform o MAFAR; P2,103,507,945 sa Ministry of the Interior and Local Government o MILG; Ang Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy o MENRE ay may alokasyon an P973,166,296; Ang Ministry of Human Settlements and Development o MHSD ay may alokasyon na P968,101,193
Ang proposed budget ay popondohan mula sa annual block grant, national government subsidies, BARMM’s share ng national taxes, regional collections, at unutilized prior appropriations.
Sisimulan ng Committee on Finance, Budget, and Management o CFBM ang hearings sa ikatlong linggo ng Nobyembre kung saan ipipresinta at dedepensahan ng ministries at agencies ang kanilang proposed appropriations.
Si Macacua, na nanumpa sa tungkulin noong Marso 2025, ay nagsabing layunin ng panukalang badyet na palakasin ang mga serbisyong panlipunan, pabilisin ang kaunlaran, at tiyakin ang pagpapatuloy ng mga programa habang nagta-transition ang BARMM tungo sa regular na pamahalaan.



Comments