₱204,000 SUSPECTED SHABU Nasamsam ng awtoridad sa ikinasang operasyon sa Barangay Morales, Koronadal City; Drug suspect, arestado sa operasyon
- Mar 23
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si alyas “Toto”, 42-anyos at residente ng Barangay Morales.
Nasamsam sa operasyon ang apat na sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 30 gramo.
Narekober din ang isang improvised tooter na may bakas ng ilegal na droga at isang sling bag.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng South Cotabato Police Provincial Drug Enforcement Unit, Koronadal City Police Station Drug Enforcement Unit, Police Intelligence Unit, at Philippine Drug Enforcement Agency Region 12.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Koronadal City Police Station ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments