204,538 INDIBIDWAL, NATULUNGAN NG AMBAG MULA NANG ILUNSAD ANG PROGRAMA TAONG 2019 AT UMABOT NA SA P928,578,104 ANG KABUUANG PONDO NA NAILAGAK SA PROGRAM
- Diane Hora
- Nov 12, 2024
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pinakabagong datos na inilabas ng ๐๐๐๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ธ๐ฎ๐น ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ฟ๐ผ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ o ๐๐ ๐๐ฎ๐, ๐จ๐บ๐ฎ๐ฏ๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฐ,๐ฑ๐ฏ๐ด indibidwal ang natulungan ng programa simula nang ilunsad ito taong 2019.
71,650 ng mga benepisyaryo ay mula sa labas ng BARMM at 132,888 ang benepisyaryo ng programa sa buong rehiyon.
82 percent dito o 167, 902 ang walang binayaran ni piso sa pagamutan o ang zero-balance billing.
Sa bilang ng mga benepisyaryo 87,283 ang babae, 45,685 ang lalaki, at 71, 570 ang mga bata.
Umabot na sa 928 million 578 thousand 104 pesos ang kabuuang halaga ang nailagak sa programa mula 2019 hanggang October 31, 2024.
Sa ilalim ng pamumuno ni ๐ช๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐ ๐จ๐๐๐ ๐ฉ. ๐ฌ๐๐๐๐๐๐, ang Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government AMBaG ay patuloy anilang nagsisilbing katuwang ng mga Bangsamoro sa kanilang pangangailangan sa serbisyong medikal.
Ipinagpapatuloy ng AMBaG ang pagsuporta sa mga pasyenteng nangangailangan sa mga partner hospital sa loob at labas ng Bangsamoro Region, kabilang ang mga ospital sa mga malalayong lugar upang masiguro na walang Bangsamorong napag-iiwanan.
Nilalayon ng AMBaG na maipadama ang tunay na kalinga at serbisyo ng gobyerno sa bawat Bangsamoro, na walang iniiwan at patuloy na sumusuporta sa kanilang kalusugan at kapakanan.
Comments