₱21.25 milyong halaga ng puslit na sigarilyo, nasamsam sa Manalipa Island, Zamboanga City; 3 crew members, arestado
- Jan 7
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit ₱21 million na halaga ng puslit na sigarilyo ang nasamsam ng awtoridad matapos maharang ang isang bangka sa Manalipa Island.
Arestado rin ang tatlong lalaki sa operasyon.
Nasabat ng awtoridad lulan ng bangka ang 332 master cases ng undocumented cigarettes na may tinatayang kabuuang halaga na ₱21,248,000.00.
Bigo ang tatlong pilipinong crew members na magpakita ng kaukulang dokumento para sa kargamento, dahilan upang sila ay arestuhin.
Isinailalim sa inventory at marking ang mga nasamsam na ebidensya bago ito i-turn over sa kustodiya ng PNP, habang ang mga naaresto ay dinala sa Zamboanga City Police Station 4 para sa kaukulang booking, imbestigasyon, at pagsasampa ng kaso kaugnay ng smuggling.



Comments