21-anyos na mag-aaral sa Cotabato City, arestado sa buy-bust operation ng awtoridad
- Teddy Borja
- Oct 3
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang estudyante sa ikinasang anti-illegal drug operation ng awtoridad.
Kinilala ang mag-aaral sa alyas na “Mak”, residente ng Mangongan Street, Barangay Bagua 2 ng lungsod.
Inaresto ito ala 1:15 ng hapon, araw ng Huwebes, October 2, 2025 sa Barangay Bagua ng syudad.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng Special Drug Enforcement Team ng Cotabato City Police Office sa pakikipagtulungan ng PDEA BARMM.
Inihahanda na ng awtoridad ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165).



Comments