₱22.7M halaga ng smuggled cigarettes, nakumpiska ng awtoridad sa Davao region ; 17 suspek, arestado
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ang mahigit ₱22.7 milyong halaga ng smuggled cigarettes at naaresto ang 17 individual sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa buong rehiyon.
Isinagawa ng Police Regional Office 11 ang 13 anti-smuggling operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng labimpitong (17) indibidwal at pagkakakumpiska ng smuggled cigarettes na may kabuuang tinatayang halagang ₱22,736,820.00.
Kabilang sa mga nakumpiska sa mga operasyon ang 455 master cases, 1,424 reams, at 276 packs ng iba’t ibang brand ng sigarilyo. Kabilang sa mga pinakamalalaking nakumpiska ang 440 master cases na nasamsam sa isang operasyon na isinagawa ng Digos Police Station, na itinuturing na pinakamalaking single confiscation sa loob lamang ng isang araw.



Comments