iMINDSPH

Kinilala ang suspek sa alyas na “Dhats”, 22 years old at residente ng Crossing Pinaring, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Inaresto ang suspek alas 2:00 ng hapon araw ng Martes sa isinagawang buy-bust operation ng otoridad sa Poblacion 1, Cotabato City.

Nagbenta umano ang suspek ng 0.2 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng 1,360 pesos.
Nagsagawa rin ng search ang otoridad sa suspek at narekober sa posesyon nito ang isang 0.7 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng 4,760 pesos, 500 peso bill, sling bag, at lighter.
Dinala sa police station 1 ang suspek para sa proper disposition habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 laban dito.
Comments