23-anyos na lalaki, huli sa entrapment operation matapos umanong gamitin ang hubad na larawan at video ng kanyang ex-girlfriend para sa pananakot at pangingikil
- Teddy Borja
- Jan 23
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang lalaki na umano’y nang-blackmail sa kanyang dating kasintahan gamit ang maseselang larawan at video nito.
Sa ikinasa ang entrapment operation ng mga operatiba ng Regional Anti-Cybercrime Unit 6.
Arestado ang 23-anyos na suspek na kinilalang si alyas “Pudong” matapos umano nitong gamitin ang mga hubad na larawan at video ng kanyang dating kasintahan upang ito’y takutin, pilitin, at i-blackmail.
Dinala na ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Article 286 o Grave Coercion ng Revised Penal Code at Republic Act 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, na kapwa may kaugnayan sa Section 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.



Comments