23-anyos na lalaki sa Alabel, Sarangani Province na Top 9 Most Wanted Regional Level, timbog sa kasong child prostitution at lascivious conduct
- Teddy Borja
- Sep 5
- 1 min read
iMINDSPH

Bumagsak sa kamay ng awtoridad ang isang 23-years old na lalaki na Top 9 Most Wanted Regional Level dahil sa kasong child prostitution at 2 counts ng lascivious conduct.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Adi” residente ng nasabing bayan.
Inaresto ito ala 1:22 ng hapon, araw ng Miyerkules, September 3 sa Barangay Poblacion ng bayan sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Judge Rebecca Dardo-Seredrica, Presiding Judge of RTC, 11th Judicial Region, Branch 46, Alabel, Sarangani Province, na may petsa na November 10, 2021.
Dalawang daang libong piso na piyansa ang itinakda ng korte sa kasong child prostitution at tig-dalawang daang libong piso rin para sa 2 counts ng lascivious conduct.
Nasa kustodiya na ng Alabel Municipal Police Station ang suspek para sa wastong disposisyon.



Comments