top of page

23-anyos na lalaki, sugatan sa pamamaril sa Cotabato City; Isang basyo ng bala ng cal. .45, narekober sa crime scene

  • Teddy Borja
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Ang biktima ay 23-anyos, binata, walang trabaho, at residente ng Purok Balabaran, Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.


Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-10:45 ng gabi ng Pebrero 4, 2026, naglalakad ang biktima mula Barangay Rosary Heights 9 patungo sa kanyang tahanan sa Barangay Rosary Heights 10 nang bigla na lamang siyang lapitan at barilin ng hindi pa nakikilalang suspek.


Bandang alas-11:00 ng gabi, nakatanggap ng tawag ang Cotabato City Police Station 2 mula sa isang concerned citizen hinggil sa insidente. Agad na rumesponde ang mga pulis at nalaman na naisugod na ang biktima sa Cotabato Regional and Medical Center ng mga sibilyan.


Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa cal. .45 na baril, na isusumite sa Regional Forensic Unit BAR para sa ballistic examination at wastong disposisyon.


Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng mga suspek, na pinaniniwalaang may kaugnayan sa ilegal na droga.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page