23-anyos na magsasaka sa Cotabato City, timbog sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad
- Teddy Borja
- Sep 30
- 1 min read
iMINDSPH

Isa pang magsasaka ang arestado rin sa buy-bust operation na ikinasa ng awtoridad.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Rasid”, 23-anyos residente ng Purok Usman, Bagua 2, Cotabato City.
Inaresto ito, araw ng Lunes, September 29 sa nasabing lugar.
Ayon sa ulat, naaktuhan ang suspek matapos makipagtransaksyon sa isang poseur-buyer.
Nakumpiska mula dito ang hinihinalang iligal na droga.
Nasa kustodiya na ng awtoridad ang naarestong indibidwal habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya.



Comments