23 kasapi ng local terrorist group, nagbalik loob sa gobyerno; 17 armas at pampasabog, kasamang isinuko
- Teddy Borja
- Aug 26
- 2 min read
iMINDSPH

Dalawampu’t tatlong kasapi ng local terrorist group sa Maguindanao del Sur, ang nagbalik loob sa gobyerno. Kasamang isinuko ng mga ito ang matataas na kalibre ng armas.
Ayon kay Lt. Col. Al Victor Burkley, Commanding Officer ng 6th Infantry (Redskin) Battalion, pinili ng mga dating rebelde na sumuko upang muling makapiling ang kanilang mga pamilya at tuluyang talikuran ang armadong pakikibaka.
Ang pagbabalik loob ng mga miyembro ng local terrorist group ay naganap, araw ng Lunes, August 25 sa bayan ng Datu Piang.
Dagdag ng opisyal, naging dahilan din ng kanilang pagsuko ang pangamba para sa kanilang kaligtasan bunsod ng pinaigting at pinalawak na decisive military operations ng mga sundalo.
Iprenesinta ang mga nagbalik-loob kay 601st Infantry Brigade Commander,
Brigadier General Edgar Catu sa himpilan ng 6IB sa Sitio Landing Fish, Brgy. Buayan, Datu Piang.
Kabilang sa mga isinukong kagamitang pandigma ay
Dalawang Cal. 30 Sniper Rifles
Tatlong 60mm Mortars
Dalawang RPG
Dalawang Garand Rifles
Isang M14 Sniper Rifle
Isang 5.56mm Rifle
Isang Carbine Rifle
Isang M79
Isang 81mm Mortar
Isang KG9 at
Dalawang Magazines
Bilang bahagi ng suporta, tumanggap ang mga ito ng dalawang traktora, dalawang agricultural sprayers, at 23 sako ng bigas mula sa lokal na pamahalaan upang makapagsimula ng panibagong pamumuhay sa pamamagitan ng pagsasaka.
Sa kanyang mensahe, sinabi naman ni Major General Donald Gumiran, Commander ng 6ID at JTFC na ang pagsuko ng 23 miyembro ng lokal na teroristang grupo ay malinaw na resulta ng ating tuluy-tuloy na kampanya laban sa terorismo.
Pinasalamatan din ng Division Commander ang mga stakeholders, lalo na ang mga local leaders ng Bangsamoro Islamic Armed Force (BIAF), MILF na humikayat sa mga ito na magbalik-loob na sa pamahalaan.



Comments