top of page

₱235-M SMUGGLED CIGARETTES Nakumpiska sa Batangas Port sa isinagawang operasyon ng Bureau of Customs

  • Mar 9
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa isinagawang operasyon, nakumpiska ang malalaking knot-tied plastic cellophane at heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may kabuuang Standard Drug Price na ₱1,360,000.


Bukod dito, nakumpiska din sa operasyon ang isang silver Colt .45 caliber pistol, labing-anim na bala ng caliber .45, dalawang magazine ng caliber .45, tatlong bala ng 9mm, isang .22 caliber rifle, digital weighing scale, at isang fired cartridge case ng .45 pistol, kasama ang iba pang non-drug items.


Isinasagawa ang joint operation ng mga operatiba ng Regional Special Operations Group / Regional Police Drug Enforcement Unit 11 kasama ang Banaybanay Municipal Police Station ng Davao Oriental Police Provincial Office laban sa isang top priority High-Value Individual sa ilegal na droga.


Isinilbi ng mga awtoridad ang search warrant na inilabas ng RTC Branch 32 noong March 3, 2026.


Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Banaybanay Municipal Police Station para sa kaukulang booking at documentation.


Inihahanda na rin ang pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page