iMINDSPH

Himas rehas ang 24-anyos na si alyas “To”, residente ng Barangay Calzada, Sultan Kudarat-
matapos arestuhin sa isinagawang buy-bust operation ng otoridad sa Notre Dame Avenue, Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City, ala 3:44 ng hapon, araw ng Lunes, February 24.
Sa report ng otoridad, nabilhan ang suspek ng dalawang sachets ng suspected shabu na nagkakahalaga ng 500 pesos.
Isasailalim ito sa drug test ng otoridad habang isusumite naman sa RFU BARMM ang nakuhang suspected illegal drugs para sa laboratory exam at proper custody.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa suspek.
Comments