top of page

245 PNP PERSONNEL, TINANGGAL SA SERBISYO Bilang bahagi ng pinaigting na internal cleansing na ipinatutupad ng PNP sa buong bansa

  • 3 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Mula January 1 hanggang March 31, 2026, umabot sa 245 PNP personnel ang tinanggal sa serbisyo bilang bahagi ng kampanya para sa disiplina at integridad sa hanay ng pulisya.


Pinakamaraming kaso ng dismissal ang naitala sa National Capital Region Police Office o NCRPO na may 67, sinundan ng National Headquarters na may 40, habang nakapagtala naman ang PRO 11 ng 20 at PRO 12 ng 15 kaso.


Sa parehong panahon, kabuuang 765 administrative cases ang naresolba kung saan 341 ang nasuspinde, 245 ang natanggal sa serbisyo, at 115 ang reprimanded. Karamihan sa mga sangkot ay mga Police Non-Commissioned Officers o PNCOs.


Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., mahalagang panatilihin ang mataas na pamantayan ng disiplina, integridad, at pananagutan sa bawat kilos ng mga pulis upang mapanatili ang tiwala ng publiko.


Bahagi ang mga hakbang na ito ng zero tolerance policy ng PNP sa ilalim ng kanilang Integrity Monitoring program na naglalayong palakasin ang propesyonalismo at transparency sa organisasyon.


Patuloy namang tiniyak ng PNP ang kanilang commitment sa kampanyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.”

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page