25 ANYOS NA DRUG SUSPECT, ARESTADO sa anti-illegal drug operation sa Surallah, South Cotabato matapos mahulihan ng mahigit P100K suspected shabu
- Apr 14
- 1 min read
iMINDSPH

Sa South Cotabato pa rin—
Isang 25 anyos na drug suspect ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Surallah kung saan nasamsam ang mahigit 100 thousand pesos na halaga ng suspected shabu Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Joel”, 25 anyos, residente ng Brgy. Ambalgan, Sto. Niño, South Cotabato.
Isinagawa ang buy-bust operation ng Surallah Municipal Police Station o MPS matapos ang transaksyon sa isang PNP poseur-buyer.
Sa naturang operasyon, narekober ang isang heat-sealed sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang ₱102,000.00.
Nakumpiska rin mula sa suspek ang buy-bust money na ₱500, isang improvised totter na may bakas ng hinihinalang shabu, metal container, green disposable lighter, at isang cellular phone.
Dinala ang suspek at mga ebidensya sa Surallah MPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 laban sa suspek.



Comments