top of page

25 ANYOS NA DRUG SUSPECT, ARESTADO sa isinagawang joint law enforcement operation sa Tubod, Lanao del Norte

  • Apr 7
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Tubod, Lanao del Norte —

Arestado ng awtoridad ang 25 anyos na drug suspect matapos ang isinagawang search warrant


Sa isinagawang search sa tirahan ng suspek, nasamsam ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na humigit-kumulang pitong gramo at may halagang ₱47,600.


Narekober din sa operasyon ang isang black pouch, isang disposable lighter na may improvised aluminum needle, at isang black eyeglass case na hinihinalang ginagamit bilang drug paraphernalia.


Ang operasyon ay isinagawa ng Tubod Municipal Police Station katuwang ang iba’t ibang yunit ng kapulisan at law enforcement agencies.


Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa Lanao del Norte Provincial Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri.


Samantala, ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Tubod Municipal Police Station para sa tamang disposisyon.


Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 11 at 12 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page