26,621 BENEPISYARYO NG PROJECT TABANG Natulungan ng programa sa pamamahagi ng food packs sa buong buwan ng ramadan
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Umabot sa 26,621 indibidwal sa Bangsamoro ang benepisyaryo sa month-long food pack distribution ng Office of the Chief Minister sa pamumuno ni Chief Minister Abdulraof Macacua, sa pamamagitan ng Project TABANG, sa panahon ng banal na buwan ng Ramadhan.
Isinagawa ang distribusyon sa ilalim ng Food Assistance for Special Traditions (FAST)—isang sub-program ng Humanitarian Response and Services ng Project TABANG—na taunang nagbibigay ng tulong sa mga komunidad sa BARMM tuwing Ramadhan.
Pinangunahan ito ni Brahim Lacua, kung saan nakipag-ugnayan ang Project TABANG sa iba’t ibang partner agencies, local authorities, at community leaders upang matiyak ang maayos at organisadong pamamahagi ng iftar meals sa mga Muslim faithful sa buong rehiyon.
Ayon sa pamahalaan, bahagi ito ng direktiba ng Chief Minister na maghatid ng agarang at direktang tulong sa mga komunidad, lalo na sa panahon ng Ramadhan.
Ipinapakita rin ng inisyatibang ito ayon sa programa ang patuloy na commitment ng Bangsamoro Government sa pagbibigay ng mga programang makatao—na hindi lamang tumutugon sa agarang pangangailangan kundi nirerespeto rin ang kultura at tradisyon ng mamamayang Bangsamoro.



Comments