26-anyos na indibidwal na wanted sa kasong carnapping at kabilang sa listahan ng Top 9 Most Wanted ng PNP PRO 12, arestado sa General Santos City
- Teddy Borja
- Jun 11
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang indibidwal na wanted sa kasong carnapping at kabilang sa Top 9 Most Wanted list ng PNP PRO 12.
Kinilala ng suspek sa alyas na “Julia”, 26-anyos.
Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 na ikinasa ng mga elemento ng Police Station 4 ng General Santos City Police Office, Sarangani Provincial Highway Patrol Team, at ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit 12.
Dinala ito sa Police Station 4, GSCPO para sa dokumentasyon at proper disposition.
Comments