26-anyos na lalaki na residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, arestado sa buy-bust operation sa Kidapawan City
- Teddy Borja
- Oct 7
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang isang 26 anyos na lalaki na residente ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte matapos ikasa ng awtoridad ang buy-bust operation kung saan nasamsam ang mahigit 354,000 pesos na halaga ng suspected shabu.
Inaresto ang suspek na si alyas “Homer” ala 5:01 ng umaga sa Purok 4C, Maglan Road, Barangay Lanao, Kidapawan City.
Nakuha ng awtoridad ang 52.2 gramo ng suspected shabu.
Ikinasa ang operasyon araw ng Lunes, October 6.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 12 (RPDEU 12) sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Dave Abarra, sa pakikipagtulungan ng Kidapawan City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12.
Naaresto ang suspek na kinilalang si alias “Homer”, 26 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Ladia, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Dinala sa Provincial Forensic Unit ang mga ebidensya para sa pagsusuri, habang ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Kidapawan City Police Station para sa pagsasampa ng pormal na kaso.



Comments