260,782 indibidwal, natulungan ng AMBaG mula December 2019-August 2025; ₱1,172,800,040 ang kabuuang pondo na naipagkaloob ng Office of the Chief Minister para sa serbisyong medikal
- Diane Hora
- Sep 12
- 1 min read
iMINDSPH

Mula Disyembre 2019 hanggang Agosto 2025, umabot na sa 260,782 na Bangsamoro ang natulungan ng Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government o AMBaG na may kanya-kanyang kwento ng pag-asa, tulong, at kalinga.
Sa bilang na ito, 112,445 ang kababaihan, 59,157 ang kalalakihan, at 89,180 ang mga batang edad 15 pababa.
Sa datos, 84% ng mga benepisyaryo ay nakatanggap ng zero-balance assistance.
Ayon sa tala, umabot na sa ₱1,172,800,040 ang kabuuang pondo na naipagkaloob ng Office of the Chief Minister para sa serbisyong medikal.
Ayon sa AMBaG isa itong konkretong patunay ng malasakit ng pamahalaan.
Mula sa inisyatiba ni Former Chief Minister Ahod Ebrahim, na ngayon ay patuloy na isinusulong ni Chief Minister Abdulraof Macacua, hindi tumitigil ang AMBaG sa pagbibigay ng Kalinga at Serbisyo sa bawat Bangsamoro, saan ka man naroroon, anuman ang pinagdadaanan mo.
Kalinga at Serbisyo, Ito ang AMBaG ng Bangsamoro.



Comments