top of page

260 DAYCARE LEARNERS MOVING-UP CEREMONY mula sa 16 Child Development Centers at Supervised Neighborhood Play, matagumpay na naidaos ng MSSD Sibutu

  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Ginanap ang aktibidad sa Barangay Tandubanak Covered Court na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa 16 na Child Development Centers (CDCs) at isang Supervised Neighborhood Play (SNP) sa naturang bayan.


Sa ilalim ng temang "Batang Bangsamoro: Simbolo ng Pag-Asa, Hinuhubog ang Pangarap Para sa Mas Matatag na Bukas", binigyang-diin ng mga opisyal ang kritikal na papel ng maagang edukasyon.


Ayon kay Mohammad Noe Sahipa, executive secretary ng Sibutu Mayor, ang pamumuhunan sa edukasyon ng kabataan ang tunay na susi sa paghubog ng mas maunlad na kinabukasan.


Bilang resource speaker, hinikayat ni Al-Rashier Isnirul Darong, punong guro ng Ligayam National Highschool, ang mga magulang at komunidad na maging aktibong katuwang sa pagpapalaki at pagkatuto ng mga bata.


Bilang bahagi ng Early Childhood Care and Development (ECCD) sa ilalim ng Child and Youth Welfare Program (CYWP) ng MSSD, bawat completer ay hindi lamang tumanggap ng diploma kundi pati na rin learning kits upang suportahan ang kanilang paglipat sa elementarya at hygiene kits para sa pangangalaga sa kalusugan at kapakanan ng mga bata.


Ang matagumpay na pagtatapos ng mga batang Sibutuano ay bunga ng patuloy na serbisyo ng MSSD upang masiguro na walang batang Bangsamoro ang maiiwan sa aspeto ng pag-unlad at edukasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page