268 na residente, nakabenepisyo sa Medical Mission ng Project TABANG sa Pahamuddin, SGA
- Nov 10, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Sa patuloy na serbisyo ng Bangsamoro Government sa pamamagitan ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG, nagsagawa ng medical mission sa pamamagitan ng Serbisyong Ayudang Medikal noong a sais ng Nobyembre sa Barangay Libungan Toretta, bayan ng Pahamuddin, sa Special Geographic Areas.
Umabot sa 268 na mga benepisyaryo ang nakatanggap ng tulong medikal.
Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa Ministry of Health, Rural Health Unit ng Pahamuddin at Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region.



Comments