27-anyos na magsasaka mula sa Davao del Sur na Top 10 Most Wanted Person sa kasong murder, arestado ng awtoridad sa bisa ng warrant of arrest sa Sarangani Province
- Teddy Borja
- Sep 3
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog sa Sarangani Province ang isang magsasaka na mula sa Davao del Sur na kabilang sa Top 10 Most Wanted ng awtoridad sa kasong murder.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Nek”.
Inaresto ito alas 3:00 ng hapon, araw ng Lunes, September 1 sa Purok Pangyan, Poblacion Malungon, Sarangani.
Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder, na inilabas ni Judge Rebecca Dardo-Seredrica ng RTC Branch 46, Alabel, Sarangani Province.
Ito ay may petsa na July 6, 2021.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Bukod dito, sinilbihan din ang suspek ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Section 1 ng Presidential Decree 1602 o Illegal Gambling na inilabas ni Judge Ma. Pelisa Corazon Parido-Dinopol ng MTC Malungon-Alabel, Sarangani Province, noong Mayo 19, 2021.
Tatlumpong libong piso ang recommended bail sa kaso.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Malungon MPS ang naarestong akusado para sa tamang disposisyon.
Comments