top of page

27 loose firearms, isinuko ng mga residente sa Probinsya ng Cotabato, Maguindanao del Sur at SGA-BARMM

  • Teddy Borja
  • May 2
  • 1 min read

iMINDSPH


Nadagdagan pa ang mga isinusukong mga loose firearms sa militar kasunod ng dalawampu’t pitong mga armas na isinuko ng mga mula sa probinsya ng Cotabato, Maguindanao del Sur at dalawang bayan ng SGA-BARMM, araw ng Huwebes, May 1, 2025.

Ayun kay Lt. Col. Erwin Dumaghan, Commanding Officer ng 40IB, resulta ito ng mahigpit na kampanya laban sa paglaganap ng hindi awtorisadong armas katuwang ang pambansang pulisya at suporta galing sa komunidad.


Dagdag pa nito, sampung klase ng armas ang narekober mula sa Tugunan, SGA-BARMM habang labing-pitong armas naman ang isinuko mula sa bayan ng Pikit at Mlang sa Cotabato; Pagalungan at Datu Montawal sa Maguindanao del Sur; at Kapalawan sa SGA-BARMM.

Pormal naman itong iprenisinta kay Brig. Gen. Ricky Bunayog, Commander ng 602nd Infantry Brigade at sinaksihan ni Pikit Municipal Mayor Sumulong Sultan, PCol. Gilberto Tuzon, Provincial Director ng Cotabato PPO at PLt. Col. Tristan Vergel Sablada, Chief of Police ng Pikit MPS.

Patuloy ang panawagan ng militar sa publiko na makipagtulungan sa awtoridad upang tuluyang maalis ang mga ilegal na armas at mapanatili ang kapayapaan sa buong rehiyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page