28 drug personalities, arestado; Suspected shabu at marijuana na nagkakahalaga ng ₱1.4M, nasamsam
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawampu’t walong indibidwal ang arestado at nakumpiska ng awtoridad ang mahigit ₱1.4 million halaga ng ilegal na droga at ₱200,000 halaga ng mga smuggled items sa loob lamang ng isang araw.
Nagsagawa ang Police Regional Office 11 ng 25 anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 28 drug personalities at pagkakakumpiska ng shabu at marijuana na may kabuuang Standard Drug Price na ₱1,477,527.60.
Kabilang sa mga naaresto si alyas “John”, Top Priority Illegal Drug Personality, matapos makumpiskahan ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng ₱626,400.00 sa isang buy-bust operation sa Barangay Talomo Proper, Davao City.
Samantala, sa isang hiwalay na joint buy-bust operation sa Barangay Pandapan, Tagum City, Davao del Norte, naaresto ang dalawang High-Value Individuals na kinilalang sina alyas “Ado” at “Desoy”, matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱374,000.00.
Bukod dito, nagsagawa rin ang PRO 11 ng 141 anti-smuggling operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng 36 katao at pagkakakumpiska ng smuggled cigarettes na may tinatayang halagang ₱200,800.00.



Comments