28 pamilya sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte na apektado ng baha, tumanggap ng relief assistance mula sa provincial government
- LERIO BOMPAT
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawamput walong pamilya sa Pura, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte na apektado ng baha ang tumanggap ng rice assistance mula sa provincial government.
Tinanggap ng dalawampu t walong pamilya ng Pura, Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte ang relief assistance mula sa provincial government.
Ang diretsong serbisyo sa mamamayan ang mahigpit na direktiba ni Governor Datu Tucao Mastura sa ilalim ng flagship program na DTOM o Development, Transformation, and Opportunity for Maguindanao del Norte.
Nagpapasalamat naman si Barangay Captain Datu Mohammad Sinsuat Jr. sa natanggap na tulong ng kanyang constituents. Nagpapasalamat din ito kay Board Member Darwin Panga sa pangangasiwa sa kanilang request.



Comments