top of page

289 na residente ng Dimataling, Zamboanga del Sur, benepisyaryo ng Serbisyong Ayudang Medikal (SAM) ng Project TABANG

  • Diane Hora
  • Oct 9
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Libreng gamot at healthcare kits ang naimapamahagi ng Serbisyong Ayudang Medikal o SAM ng Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan sa dalawang daan at walumpu’t siyam na residente ng Dimataling, Zamboanga del Sur.


Isinagawa ang medical mission, araw ng Lunes, October 6 sa Barangay Kagawasan.


Pinangunahan ang aktibidad ng Health Ancillary Services Unit.


Ang SAM ay isa sa mga sub-program ng Project TABANG Health Ancillary Services na naglalayong maghatid ng tulong medikal sa mga mamamayan, maging sa loob o labas ng Bangsamoro region.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page