top of page

29 barangay sa Sulu, dineklara ng ROCBDC na drug-cleared at 17 barangay naman ang dineklara na drug-free

  • Teddy Borja
  • Sep 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Drug-cleared na ang dalawampu’t siyam na barangay sa Sulu at drug-free na rin ang 17 pang barangay.


Ito ang deklarasyon ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) sa committee meeting, araw ng Martes, September 9, 2025, sa Sumadjah Hall, Bangkal, Patikul, Sulu.


Tinanggap rin ng local government units (LGUs) ng Maimbung, Talipao, Patikul, Hadji Panglima Tahil, Siasi, at Parang ang Certificates ng Drug-Cleared Barangays bilang pagkilala sa kanilang matagumpay na compliance sa parameters set sa ilalim ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP).


Ang pulong ay pinangunahan ni ROCBDC Chairman Director Gil Cesario Castro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page