3,221 PACKED MEALS Ipinamahagi ng Project TABANG sa ilalim ng FAST PROGRAM sa iba’t ibang masjid sa BARMM
- Mar 4
- 1 min read
iMINDSPH

632 packed meals ang ipinamahagi ng FAST program ng Project TABANG sa komunidad ng mga Bangsamoro sa Kabacan at Kidapawan City.
888 packed meals naman sa Maguindanao del Norte na ipinamahagi sa 11 masjids sa mga bayan ng Parang, Buldon, Sultan Mastura, at Sultan Kudarat.
Sa Lanao del Sur, 600 packed meals ang ipinamahagi ng mga kawani ng programa sa iba’t ibang masjids sa mga barangay ng Marawi City.
640 packed meals sa Lanao del Norte na ipinamahagi sa walong masjids sa Baloi at Tagoloan.
Sa Basilan 505 packed ang ipinamahgi sa pitong masjids sa Lamitan City, Tipo-Tipo, at Ungkaya Pukan.
Habang 250 packed meals naman ang ipinamahagi ng FAST program sa tatlong masjids sa Bongao, Tawi-Tawi, katuwang ang partner agencies kabilang na ang BPMA Bongao Port at ang PNP Provincial Headquarters.
Sa Sulu, 150 packed meals ang ipinamahagi rin sa tatlong masjids sa Indanan at Jolo.
Sa pamamagitan ng FAST program, patuloy na itinataguyod ang paghahatid ng tulong sa Bangsamoro people, at sa mga komunidad sa mga lugar na hindi sakop ng BARMM na maramdaman ang diwa ng pagkakaisa, pagiging bukas-palad at pagpapala ngayong ramadan.



Comments