top of page

₱3.2M SMUGGLED CIGARETTES, NASAMSAM matapos ang isinagawang hot pursuit operation ng awtoridad

  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Nasabat ng Philippine National Police ang humigit-kumulang 80 master cases ng branded cigarettes na may tinatayang halaga na ₱3,200,000 matapos ang anti-smuggling operation bandang ala-1:30 ng madaling araw ng Huwebes, March 26.


Pinara ng mga awtoridad ang isang Elf truck dahil sa basag nitong windshield, isang paglabag sa Republic Act 4136. Gayunman, sa halip na huminto, pinaharurot ng driver ang sasakyan at tinakasan ang checkpoint.


Kalaunan, natagpuan ang sasakyan na abandonado sa gilid ng kalsada sa Purok 6, Pandanan, habang ang driver ay nakatakas.


Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Lanao del Norte Police Provincial Office, Sultan Naga Dimaporo Municipal Police Station, at Regional Mobile Force Battalion 10.


Dinala sa kustodiya ng 2nd PMFC ang mga nasamsam na sigarilyo at ang abandonadong sasakyan para sa dokumentasyon at nakatakdang i-turnover sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon.


Patuloy naman ang follow-up operation ng mga awtoridad upang matukoy at maaresto ang tumakas na suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page