3.4 million pesos na halaga ng suspected shabu, nasamsam ng PDEA BARMM sa buy-bust operation sa Saguiaran, Lanao del Sur; HVT, arestado sa operasyon
- Teddy Borja
- Sep 10
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit tatlong milyong pisong halaga ng suspected shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng PDEA BARMM sa buy-bust operation sa bayan ng Saguiaran kung saan arestado sa operasyon ang isang High-Value Target
Ikinasa ng PDEA BARMM ang operasyon, araw ng Martes, September 9 sa Barangay Poblacion ng bayan.
Kinilala ng PDEA BARMM ang naarestong HVT sa alyas na “Arman”.
Nakumpiska sa operasyon ang 500 gramo ng suspected shabu na isinilid sa limang knot-tied transparent plastic bags.
Narekober din ng awtoridad ang isang cellphone, identification card, buy-bust money at sasakyan.
Nasa kustodiya ng PDEA BARMM ang naarestong indibidwal.
Katuwang ng PDEA sa operasyon Philippine Drug Enforcement Agency – Lanao del Sur Provincial Office, PDEA Regional Special Enforcement Team (RSET), PDEA Land Transportation and Interdiction Unit, 4th Mechanized Infantry Battalion, Saguiaran Municipal Police Station (MPS) at Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ng Saguiaran LGU.
Haharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5, ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments