₱3.4M HALAGANG SHABU, NASAMSAMSa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Barangay Kauran, Ampatuan, Maguindanao del Sur; 2 suspek, arestado
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Maguindanao del Sur—
₱3.4 million halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng awtoridad sa isinagawang buy-bust operation. Timbog din sa operasyon ang dalawang suspek.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Aris”, 40-anyos, at alyas “Dats”, 43-anyos, kapwa may asawa.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang sampung piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu.
Narekober din ang dalawang mobile phones, buy-bust money, isang itim na belt bag, isang brown ID holder, at dalawang identification cards.
Isinagawa ang operasyon, araw ng Lunes, March 23, sa pangunguna ng PDEA Maguindanao del Norte Provincial Office, katuwang ang Land Interdiction Unit, PDEA Maguindanao del Sur Provincial Office, PNP Regional Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit ng Maguindanao del Sur PPO, Ampatuan MPS, Provincial Drug Enforcement Unit, at mga elemento ng 90th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Dinala sa kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 o Sale of Dangerous Drugs sa ilalim ng Republic Act 9165 laban sa mga suspek.



Comments