3 araw na roundtable discussion hinggil sa proposed measures na Signage Official Language Act, Bangsamoro People’s Initiative Act, at Public Petitions Act, sinimulan na
- Diane Hora
- Oct 21
- 1 min read
iMINDSPH

Sa unang araw ng talakayan, nakatuon ang usapan sa Parliament Bill No. 176 o ang Signage Official Language Act, na naglalayong gawing English at Arabic ang mga opisyal na wika sa lahat ng pampubliko at pribadong signage sa rehiyon.
Ayon sa mga mambabatas, layunin ng panukalang ito na itaguyod ang Arabic literacy habang pinangangalagaan ang kultura at relihiyosong pamana ng Bangsamoro.
Karamihan sa mga stakeholders mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, academe, at mga LGU ay positibong tumanggap sa panukala, binigyang-diin ang papel nito sa pagpapatibay ng regional identity habang nananatiling inklusibo sa mga hindi Moro na residente.
Ibinahagi ni Dean Philip John Pojas ng Cotabato State University College of Law ang kahalagahan ng malinaw na mga patakaran sa placement, sukat, at tamang paggamit ng Arabic scripts sa mga signage.
Samantala, iminungkahi ng Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage na isama rin ang mga lokal na wika at ang paggamit ng Jawi o Kirim writing systems.
Hinimok naman ni Office for Settler Communities Executive Director at MP Susana Anayatin ang interagency coordination upang matiyak ang tamang pagsasalin, maayos na monitoring, at epektibong pagpapatupad ng batas.
Nagbigay din ng suhestiyon ang mga kalahok para sa mga persons with disabilities (PWDs) at mga hakbang laban sa maling impormasyon.
Ito na ang ikatlong bahagi ng serye ng mga konsultasyon, kasunod ng mga naunang pagpupulong sa Marawi City para sa mga stakeholders ng Lanao del Sur, at sa Zamboanga City para sa mga island provinces.
Ayon kay Committee Chair Sha Elijah Dumama-Alba, magpapatuloy ang talakayan sa Miyerkules para sa diskusyon hinggil sa Bangsamoro People’s Initiative Act.



Comments