top of page

3 DRIVER AT 1 MEKANIKO, ARESTADO Sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Tacurong City; Drug den sa lugar, nilansag

  • Mar 2
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ang tatlong driver at isang mekanino na kabilang sa mga high-value targets ng awtoridad sa isinagawa buy-bust operation. Nilansag din ng awtoridad ang isang drug den lugar.


Kinilala ang mga naaresto sa alyas na“Bapa”, 41 anyos, driver; alyas “Cabile, ” 46 anyos, driver at negosyante; alyas “Jinggoy”, 28 anyos, mekaniko; at alyas “Daud”, 45 anyos, driver — pawang mga residente ng Tacurong City.


Nakumpiska mula sa mga suspek ang tinatayang anim (6) na gramo ng hinihinalang shabu na may halagang humigit-kumulang Php40,800.00, buy-bust money, iba’t ibang drug paraphernalia, at tatlong cellular phones.


Gabi ng February 27, nang isinagawa ang joint anti-drug operation ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency RO XII – Regional Special Enforcement Team, katuwang ang PDEA Sultan Kudarat Provincial Office, Tacurong City Police Station, at Task Force Talakudong ng Philippine Army.


Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12 ng Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page