top of page

3 DRUG PERSONALITIES, ARESTADO; MGA ARMAS NAREKOBER sa isinagawang police operation sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur; Drug den, nilansag

  • Apr 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa Datu Paglas, Maguindanao del Sur —

Arestado ang tatlong hinihinalang drug personalities habang nakumpiska naman ang mga armas sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Poblacion. Sinira rin ng awtoridad ang drug den sa lugar.


Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Allan”, 49 taong gulang; “Fredie”, 42 taong gulang; at “Basko”, 23 taong gulang, pawang mga residente ng nasabing lugar.


Nasamsam mula sa kanilang pag-iingat ang sampung heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na tinatayang limang gramo at nagkakahalaga ng ₱34,000.


Nakumpiska rin ang isang kalibre .45 na baril, tatlong magazine, 19 na bala, isang Android cellphone, iba’t ibang drug paraphernalia, at ang ginamit na buy-bust money.


Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa himpilan ng pulisya at isasailalim sa laboratory examination.


Dinala na sa police station ang mga suspek para sa booking at documentation.


Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, gayundin sa paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page