3 hinihinalang drug users, nasakote sa buy-bust operation sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte
- Teddy Borja
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang tatlong hinihinalang gumagamit ng ilegal na droga matapos ang ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Sultan Mastura.
Kinilala ang isa sa mga naarestong suspek sa alyas na “Rico”, 39 taong gulang, may asawa, walang trabaho at residente ng Barangay Namuken, Sultan Mastura. Kasama rin sa naaresto ang isang 26-anyos na lalaki, binata, walang trabaho at residente ng Barangay Macabiso, Sultan Mastura, at isang 22-anyos na babae, may asawa, walang trabaho at residente ng MB Rosary Heights, Cotabato City.
Ang tatlong suspek ay dinala sa Sultan Mastura MPS para sa booking at dokumentasyon. Ang mga nakumpiskang ebidensiya ng ilegal na droga ay agad na ipapadala sa Regional Forensic Unit-BAR para sa qualitative at quantitative examination.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Section 5, 12, at 15 ng Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga naarestong suspek.



Comments