top of page

3 indibidwal, arestado sa buy-bust operation sa Wao, Lanao del Sur; Drug den sa lugar, giniba ng PDEA BARMM

  • Teddy Borja
  • Oct 6
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Tatlong indibidwal ang arestado sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM. Giniba rin ng PDEA ang isang drug den sa lugar.


Isinagawa ang operasyon, araw ng Biyernes, October 3 sa Barangay Panang ng bayan.


Sampung gramo ng suspected shabu ang napasakamay ng mga tauhan ng PDEA BARMM na may standard drug price na 68 thousand pesos.


Ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA Lanao del Sur Provincial Office, katuwang ang Regional Special Enforcement Team Maguindanao, Wao Municipal Police Station, at 55th Infantry Battalion ng Philippine Army.


Haharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page