top of page

3 indibidwal, arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa South Cotabato

  • Teddy Borja
  • Sep 30
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Timbog ang tatlong indibidwal sa magkakahiwalay na operasyon ng awtoridad kung saan nasamsam din ang iligal na droga.


Bandang 6:18 ng umaga ng September 29, arestado ang suspek na kinilala sa alyas na “Raf-Raf” sa Brgy. Cabuling, Tantangan.


Ito’y matapos salakayin ng mga awtoridad ang tirahan nito sa bisa ng Search Warrant.


Nasamsam ang dalawang (2) sachet ng puting kristal na substansiya na tinatayang may bigat na 0.2 gramo, tatlong (3) aluminum foil, isang pouch na may karagdagang foil, at dalawang (2) improvised na “tooters”.


Dakong 8:30 AM ng umaga naman nang maaresto ang isang 32-anyos na driver na kinilala sa alyas “Milk” sa Brgy. Libertad, Surallah.


Ito ay sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay ng kasong Less Serious Physical Injuries na inisyu ng MCTC Banga-Tantangan.


Kasalukuyan na itong nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang proseso.


Samantala, bandang 11:30 ng umaga naman sa T’boli Municipal Police Station, kusang sumuko si alias Boboy, 38-anyos mula Brgy. Malugong, T’boli, na may apat (4) na Warrant of Arrest para sa kasong Slight Physical Injuries.


Lahat ng nakumpiskang ebidensya ay maayos na minarkahan, inimbentaryo, at isinailalim sa tamang chain of custody. Ayon sa mga awtoridad, ang tagumpay ng magkakasunod na operasyon ay patunay ng matibay na paninindigan ng Philippine National Police (PNP) laban sa kriminalidad na may kinalaman sa droga at sa patuloy na pagtataguyod ng kaligtasan ng publiko sa South Cotabato.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page