top of page

3 indibidwal na umano’y sangkot sa pagnanakaw sa isang daycare center sa Cotabato City, arestado ng awtoridad

  • Jan 8
  • 1 min read

iMINDSPH



Tatlong indibidwal ang arestado matapos masangkot sa umano’y insidente ng pagnanakaw sa isang day care center sa lungsod.


Ang biktima ay isang 32-anyos na guro at residente ng Barangay Rosary Heights 9.


Nadiskubre ng teacher na nawawala ang ilang relief goods sa loob ng daycare na donasyon ng Ministry of Social Services and Development o MSSD-BARMM.


Ayon sa paunang imbestigasyon, ang relief goods ay naipamahagi noong Enero 2, 2026. Ngunit nang bumisita ang biktima sa day care center noong Enero a-5, napag-alamang nawawala ang ilan sa mga donasyong gamit.


Batay sa mga saksi, ilang ulit umanong nakitang pumapasok at lumalabas sa day care center ang mga suspek.


Sa isinagawang hot pursuit operation ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team ng Barangay Rosary Heights 9, agad na naaresto ang tatlong suspek at itinurn-over sa Police Station 2 ng Cotabato City Police Office.


Kinilala ang mga suspek na sina alyas "Guia", 26-anyos; alyas "Ker", 23-anyos; at alyas "Ago" , 26-anyos.


Narekober mula sa mga suspek ang mga rice cooker, tatlong sako ng bigas, at mga canned goods.


Nahaharap ang mga suspek sa kasong Robbery, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at ihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page