3 MANGINGISDA, SUGATAN SA AMBUSHSa Sitio Dundugen, Gadungan, Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon sa paunang imbestigasyon, sakay ng mga motorsiklo ang tatlong biktima pauwi mula sa pangingisda nang bigla silang tambangan ng mga armadong suspek na sakay din ng motorsiklo sa Sitio Dundungen, Gadungan, Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur, araw ng Miyerkules, April 8.
Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.
Samantala, apat pang kasama ng mga biktima ang hindi nasugatan sa naturang insidente.
Isinugod naman ang mga sugatan sa Evangelista Hospital sa Lambayong, Sultan Kudarat para sa agarang gamutan.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa matukoy na direksyon.
Sa isinagawang imbestigasyon, isang dud bullet ang narekober sa lugar at isasailalim ito sa ballistic examination ng Regional Forensic Unit BAR.
Agad namang nagsagawa ng pursuit operation ang mga awtoridad katuwang ang Philippine Army, habang naglatag din ng checkpoint at dragnet operations sa mga kalapit na lugar.
Patuloy ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa likod ng insidente.



Comments