top of page

3 million pesos smuggled cigarettes, nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO BAR sa COMELEC checkpoint sa Barangay Sarmiento, Parang, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • Aug 27
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa report ng PNP PRO BAR, isang wing van ang pinigil sa COMELEC checkpoint at natuklasan na naglalaman ito ng 150 boxes ng smuggled cigarettes, araw ng Martes, August 26.


Bigo umano na makapagpakita ng legal na dokumento ang tatlong suspek na sakay ng wing van kaya inaresto ito ng mga awtoridad sa paglabag sa Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act No. 10643 o ang Graphic Health Warning Law.


Nasa kustodiya na ng Parang Municipal Police Station ang mga nakumpiskang kontrabando at naarestong indibidwal para sa wastong disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page