3 suspek sa robbery, arestado ng awtoridad sa Cotabato City; Baril at bala, nasamsam
- Diane Hora
- Jan 30
- 1 min read
iMINDSPH

Kinilala ang mga naaresto sa alyas na Mohammad", 38 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Nasamsam mula sa naarestong suspek ang isang Caliber .45 na baril at mga bala.
Nakatakas naman ang isa pang kasamahan nito na kinlala sa alyas na “Dareen”.
Ayon sa awtoridad, naganap ang insidente ng holdap alas-9:40 ng umaga, Enero 29, 2026. Ang biktima ay isang babae, 24 taong gulang, isang sales collector ng Bluesun Phils., Inc., at residente ng Tampacan, Barangay Liberty, South Cotabato.
Batay imbestigasyon, financial ang motibo ng krimen. Dinala ng mga tauhan ng 1404th Regional Mobile Force Battalion, sa koordinasyon ng 1st Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao del Norte at ng OPD–Police Provincial Office ng Maguindanao del Norte, sa himpilan ng pulisya ang naarestong suspek.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang kaso na isasampa



Comments