3 SUSPEK SA ROBBERY HOLD-UP, ARESTADO sa isinagawang police operation sa Datu Odin Sinsuat
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Datu Odin Sinsuat —
Arestado ang tatlong suspek sa robbery hold-up matapos maharang sa isang checkpoint operation ng pulisya. Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas "Bunsoy", 27 taong gulang, driver; alyas "Solaiman", 33 taong gulang, front passenger; at alyas "Khalid", 26 taong gulang, back passenger. Parehong residente ng Cotabato City.
Naaresto ang mga suspek matapos maharang sa checkpoint habang sakay ng kotse, na tumutugma sa inilabas na flash alarm ng Police Station 4 ng Cotabato City Police Office kaugnay ng naganap na robbery hold-up.
Matapos ang beripikasyon, agad na inaresto ang mga suspek. Dinala ang mga ito sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at imbestigasyon, at kalaunan ay itinurn-over sa Police Station 4 ng Cotabato City para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang buong detalye ng insidente at ang posibleng pagkakasangkot ng mga suspek sa krimen.



Comments