30 million pesos fund para sa paglikha ng Bangsamoro Labor Conciliation and Arbitration Board ng proposed Bangsamoro Labor and Employment Code o BLEC, aprubado na ng COLE at CFBM
- Diane Hora
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Aprubado na ng Committees on Labor and Employment o COLE at ng Finance, Budget and Management o CFBM ang inisyal na alokasyon na 30 million pesos na pondo para sa paglikha ng Bangsamoro Labor Conciliation and Arbitration Board ng proposed Bangsamoro Labor and Employment Code o BLEC.
Ang pondo ay para suportahan ang paglikha ng Bangsamoro Labor Conciliation and Arbitration Board, a quasi-judicial body sa loob ng Ministry of Labor and Employment.
Masusuportahan din ng alokasyon ang mga programa na may kaugnay sa
employment transition assistance, JobStart, on-the-job training, at special employment initiatives para sa mga matatanda.
Sa pulong, sentrong usapin ang budget breakdown, ang bisa ng proposed funding, at ang papel at responsibilidad ng mga personnel na magpapatupad ng provisions ng code kapag naisabatas.
Binigyang diin ni CFBM Chairperson Kitem Kadatuan Jr. ang kahalagahan ng transparency sa budget proposal.
Dagdag nito na ang final review at approval ay magiging subject pa ng evaluation ng Ministry of Finance, Budget, and Management.
Ayon naman kay COLE Chairperson Alindatu Pagayao, isusumite nila ang committee sa plenary sa lalong madaling panahon.
Comments